JERVY

*i wrote this story back in 2008, i want to share this to all and i’m hoping that you’ll like it and be able to understand little by little the LGBT people. i believe it’s high time that the LGBT struggle be recognized and for the community to be accepted fully.

Image

when heaven meets earth…

Isang malamig na gabi, naglalakad si Jervy sa tabing dagat nang may nakita siya na isang lalaking nakahiga sa buhanginan at kanya itong nilapitan sa pag-aakalang ito ay nadisgrasya.

Tinititigan niya ang lalaki nang bigla itong bumalikwas. Sa gulat ni Jervy ay napasigaw ito at napatalon, na siya namang naging dahilan ng kanyang pagkadapa. Nagulat din ang lalaki dahil sa sigaw na narinig at napaupo ito. Nakita niyang nakatumba si Jervy kaya ito ay kanyang tinulungan.

“Ano ba kasing ginagawa mo?”, tanong niya kay Jervy.

“Eh malay ko bang buhay ka pa. Kala ko kasi kanina dedz ka na eh.”, sagot ni Jervy.

“Ano? Anong dedz?”

“Dedz. Patay. Sang planeta ka ba galing at di mo alam yun?”

“Bakit naman ako mamamatay?”

“Ewan ko sayo. Bat ako tinatanong mo? Ang gulo mo kausap. Dyan ka na nga!”

Tinalikuran ni Jervy ang lalaki at nagpatuloy na ito sa kanyang paglalakad-lakad. Gustong i-enjoy ni Jervy ang gabing iyon. Palibhasa ay bilog at napakaliwanag ng buwan at maraming bituin at para bang ito ay nagbibigay ng isang romantikong senaryo lalo na sa mga umiibig.

Malayo-layo na ang nalalakad niya ng marinig niyang sumigaw ang lalaki na para bang siya ang tinatawag. Lumingon siya at nakitang tumatakbo ang lalaki patungo sa kanya.

“Bakit?”, tanong niya.

“Ehh… salamat pala.”

“Para saan?”

“Sa pagmamalasakit kanina.”

“Sus. Ewan ko sayo. Wala yun.”

“Bakit ang sungit mo?”

“Hindi ako masungit. Ganito na talaga ako. Geh. Lakad-lakad muna ko dito.”

“Sama na’ko.”

“Bakit? Wala ka bang sariling lakad?”

“Eh, boring mag-isa. Actually the reason why you saw me lying on the sand kanina is because sobrang bored na ako. Ayun. I decided na humiga nalang at pumikit. That’s when you saw me.”

“Ano? Gagawin mo pa kong Guest Relation Officer mo ngayon? Ano palagay mo sakin taga-aliw ng nabobored?.”

“Dami naman paliwanag eh. Just say yes or no.”

“Aba. Ikaw pa ngayon mataray dyan. Ganon.”

“Okay, okay. Ganito. We haven’t got the chance to start ng maayos. I’m Vince, and you’re?”

“Jervy.”

“Ayun. Jervy, okay lang ba na sumama ako sa paglalakad-lakad mo?”

“S’ya sige. Mukha namang kukulitin mo din ako.”

“Salamat.”

Nag-umpisang maglakad-lakad ang dalawa sa tabing-dagat. Para bang may mga holeng gumugulong sa likod ni Jervy. Parang may ga-munggong pawis na lumalabas mula sa kanyang ulo at dumadaloy sa kanyang mukha. Hindi malaman ni Jervy kung naiilang nga ba siya kay Vince o dahil mula nang makita niya itong nakahiga sa buhangin ay na-attract na siya rito.

Hindi si Jervy ang itsura ng isang tipikal na bading. Macho, moreno, lalaking lalaki kung kumilos at hindi mo talaga sasabihing lalaki rin ang hinahanap niya maliban kung siya mismo ang magsasabi nito sa iyo.

Hindi malaman ni Jervy kung paano niya sisilipin ang kanyang kasama mula sa gilid ng kanyang mga mata. Pinipilit niyang alamin kung siya ba ay sinusulyapan rin ni Vince. Kung siya ba ay tinititigan nito. Ilang beses rin niyang ginawa iyon at napatunayan nga niyang siya rin ay ninanakawan ng tingin ni Vince.

Isa lang ang sigurado ni Jervy. Ibang simula ang ibibigay sa kanya ng gabing ito.

“Taga rito ka ba?”, biglang tanong ni Jervy kay Vince.

“Hindi. Bakasyon lang.”

“Ah. Ok.”

“I wanted to have some rest kaya dito ako nagpunta. Away from the noisy life of urban living. I’m a Civil Engineer. Nagwowork sa isang maliit lang na kumpanyang ang dad ko ang nagtayo. He put up that business kasi he wanted all his children to be an Engineer.”

“Ganon. Pangit naman nun. You don’t have the option to choose what you would want to be.”

“At some point we learned how to like the idea. Pero ako, sometimes may iba pa rin akong gustong gawin. Like photography. Nung college ako gustong-gusto ko maging photographer.”

“Kung ako yan, I won’t let anyone decide for me. I’m gonna do whatever I want to. ‘Di pwedeng may nagdidikta. Kaya nga siguro nagagalit lagi dad ko sa’kin. ‘Coz I’m so hard headed. Hehe..”

Nakarating ang dalawa sa isang abandonadong bahay. May kalakihan ito at may kalumaan. Pumasok sila at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Para kay Vince, magandang spot ang bahay na iyon para sa isang photoshoot. Agad niyang sinabi sa sarili na babalikan ang bahay upang ito ay kunan ng litrato kinabukasan.

Umakyat ang dalawa at agad naupo sa may terrace at parehong tumingin sa kalangitan at minasdan ang kagandahan nito. Hindi maintindihan ni Jervy kung bakit ganon ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Magkakahalong kaba, takot at saya. Hindi niya malaman kung bakit para bang nae-excite siya habang kasama niya ang lalaking napagkamalang patay kanina.

Si Vince naman ay nakatingala lamang sa kalangitan at enjoy na enjoy sa kagandahan nito. Pumikit siya na para bang iniisip na siya ay lumulutang-lutang sa alapaap. Napakagaan ng kanyang pakiramdam ng gabing iyon. Isang gabing hindi alam kung ano ang magiging katapusan.

Nagpaalam siyang saglit kay Jervy upang magpatuloy sa paglilibot sa kabuuan ng bahay. Nakarating siya sa isang kwarto, malaki ito mukhang iyon ang masters’ bedroom. Sa bandang kanan ng silid ay may isang antique na aparador na halos hindi pa naman sira, sa kaliwa ay isang mesang yari sa narra na may tunaw na kandilang nakapatong. Habang nasa gitna ang isang lumang kama na parang isang maharlikang tao ang dating gumagamit.

Pinagmasdang mabuti ni Vince ang buong silid. Pumikit. Pilit niyang in-imagine kung ano ang dating itsura ng silid na iyon noong ito ay hindi pa inaabandona. Bigla niyang naisip kung bakit pinili ng may-aring iwanan ang isang napakagandang lugar. Lumapit siya sa kama at nahiga rito. Hindi inalintana ang alikabok at dumi na kumapit sa kanyang katawan. Ipinikit muli ang mata at muling nag-imagine kung anong klaseng buhay mayroon ang dating nakatira dito.

Ilang sandali pa ay sinundan na ni Jervy si Vince at nakita nga siya nito sa loob ng malaking silid. Muli ay nakita ni Jervy na nakahiga si Vince. Nakapikit ito at para bang nangangarap.

Habang pinagmamasdan ni jervy ang katawan ni Vince ay muling dumaloy ang mainit na likido sa loob ng kanyang katawan. Para bang siya ay matutumba sa kabang nararamdaman. Dinig na dinig niya ang sariling tibok ng puso na patuloy na bumibilis at parang gustong lumundag palabas ng kanyang dibdib. Buo-buo at malamig ang pawis na tumutulo mula sa kanyang anit na dumadaloy sa kanyang mukha. Sunod-sunod ang kanyang paglunok na parang alak na gumuguhit sa kanyang lalamunan. Pumikit siya upang alisin sa isipan ang kanyang nararamdaman.

Nagulat na lamang siya pagdilat nang makitang nasa harapan na niya si Vince.

“Anong problema mo? Natatakot ka ba dito?”, tanong ni Vince.

“Ha? Ah..Eh.. Hi..Hindi..Hindi. May naisip lang ako bigla.”

“Ah kala ko natatakot ka na dyan eh. Hehe..”

“Sira ulo.”

“Oh. Nagtataka lang. Sorry naman. Tara na nga. At baka nga mauwi sa takot yang iniisip mo. Mahimatay ka pa dito, eh, kasalanan ko pa. hehehe…”

“Ewan ko sa’yo. Tara.”

Umalis na nga sa lugar na iyon ang dalawa at nagsimula nang bumalik sa bahay na kani-kanilang tinutuluyan. Sinamahan ni Vince si Jervy hanggang sa marating nito ang kanyang tinitigilang bahay. Halos hindi umiimik si Jervy sa buong paglalakad nila pauwi. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin o kung paano magsisimula ng isang topic na pag-uusapan.

“O pano, eto na yung bahay ko. Geh. Salamat sa pagsama.”

“Sige. Bukas ulit ah. Good night!”, ang sagot ni Vince sabay ngiti at saka umalis.

Hindi maintindihan ni Jervy kung bakit yon ang isinagot ni Vince sa kanya. Anong bukas ulit? Bakit? Mga tanong na pilit nagsumiksik sa utak ni Jervy matapos itong sabihin sa kanya. Halos hindi siya makatulog dahil sa pag-iisip sa tanong na iyon. Palibhasa ay siya ang tipo ng taong madaling mahulog, ang inisip niya agad ay kung may gusto ba sa kanya si Vince.

Si Vince naman ay hindi agad dumiretso sa kanyang tinutuluyan. Muli siyang umupo sa may tabing dagat malapit sa bahay na tinutuluyan ni Jervy at minasdan ang mga ilaw sa laot. Hindi niya maintindihan kung bakit may iba siyang pakiramdam ng gabing iyon.

Pilit niyang ina-analyze ang kakaibang saya na idinulot sa kanya ng naging paglalakad nila ni Jervy at ang pagpunta nila sa abandonadong bahay.

Tulala siya at wari’y may malalim na iniisip ng may marinig na isang kilalang boses. Lumingon siya at nakitang nakatayo sa tabi niya si Jervy.

“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba matutulog ka na?”, tanong niya kay Jervy.

“Una, hindi ako makatulog. Pangalawa, wala ako sinabing matutulog na ako.”

“Fine. Sabi mo eh. Umupo ka na dahil ayokong mangawit ang leeg ko sa pagtingala everytime na kakausapin mo ko.”

“Sabi ko nga eh.”

Umupo si Jervy sa tabi niya at huminga ng malalim. Muli ay parang na-pipi na naman siya at hindi na naman alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap sa kasama. Pumikit siya at pilit na nag-isip ng sasabihin kay Vince upang makapagsimula ng isang usapan.

Ang hindi niya alam ay halos ganon din ang nararamdaman ni Vince. Hindi rin nito alam kung papaano magsisimula ng isang topic para sa kanila. Maya-maya pa ay..

“Magkwento ka naman!”, sabay nilang nasabi sa isa’t-isa at pagkatapos ay natawa sa kanilang mga sarili.

“Sige kaw na magsimula.”, sabi ni Vince.

“Ano naman ang ikukwento ko sa’yo?”

“Tungkol sa’yo. Para naman magkakilala tayo ng mabuti.”

“May ganon?!?.”

“Sige na. Since we’re friends now, I believe we need to know something about each other, right?.”

“Sino may sabing friends na tayo. Hehe.. Biro. Anyway, 23 years old ako.  I’m a graduate of Theater Arts. Though I am practicing what I have finished, there’s a small difference. Nasa isang Cultural-Political Organization din ako. In short, I’m a cultural activist.”

“Wow. That’s cool! Ayos ‘yun ah. Eh di nagrarali ka rin?”

“Uhmm.. Nagpapalabas kami sa mga rali. Hindi simpleng sumasama.”

“Ah isee. So how is it? I mean, how is it being an activist?”

“Mahirap, masaya, mahirap. Hehe.. and also, fulfilling. The thought na your helping the people achieve the true essence of freedom. That’s very fulfilling.”

Nagpatuloy sa Pagkukwento si Jervy tungkol sa kanyang buhay. Halos lahat ay naikwento na niya kay Vince. Iyong mga naranasan niyang pagdampot sa kanila habang nagpapalabas sa rali. Naikwento rin niya ‘yung time na muntikan silang mapaaway dahil sa isang palabas sa kalsada. Pati yung minsan na muntikan silang itawag sa mental dahil pinagkamalan silang baliw. Lahat iyon ay ikinuwento niya. At ang isa pang ikinuwento niya kay Vince ay ang tungkol sa kanyang kasarian.

“Grade six ako noon nang una akong makaramdam ng atraksyon sa mga lalaki. I don’t know what to do. Feeling ko I’m such a weird person. Kasi hindi ko maintindihan bakit ako nagkakagusto sa lalaki na iyon. He’s my classmate. Halos bestfriends ang turing namin sa isa’t-isa. Siguro that’s the reason kung bakit ako nagkagusto sa kanya.”

“Ano ginawa mo? Did you ever tell him what you’ve felt for him?”

“I tried. Kaso, natakot ako na baka masira yung pagkakaibigan namin kaya hindi na naituloy pa. And yun ata ang pinaka-unang regret ko sa buong buhay ko.”, Sagot ni Jervy. “Ikaw. Magkwento ka. Pakiramdam ko para akong nasa MMK. Kaw naman magkwento.”

“As I’ve said earlier, I’m a civil engineer. Ako ang bunso sa apat na magkakapatid. Puro kami barako. Pero feeling ko, sa lahat ng magkakapatid nasa akin ang lahat ng matitinding expectations. Mula nung maliliit kami I’m the one na laging sinasabihan na mag-aral mabuti, sa’kin pinakamahigpit si dad, halos hindi ako payagan pag may mga party ang mga classmates ko kahit pa man we’re living on the same village. Feeling ko he’s treating me as if I’m a girl. Ganon ang buhay hanggang sa makagrad ako sa college.”

“Eh, why didn’t you confront him?”

“I did! Ang sabi niya sa’kin, the reason why he’s like that to me was ako ang inaasahan niyang magpatuloy ng business. And that I don’t wanna do. May iba akong gustong gawin. Pinagbigyan ko lang siya sa course ko, but I don’t wanna practice being an engineer.”

Sa patuloy na pagkukwento ni Vince ng kanyang buhay ay nasabi nito sa kanya na siya ay ipinagkasundo na ng ama niya sa anak ng isang kaibigan nito. Iyon ang bagay na ikinalungkot ni Jervy. Parang biglang may pumisil sa kanyang puso matapos sabihin ni Vince ang bagay na iyon. Nakita niya ang biglang paglungkot ng mga mata ng lalaki habang sinasabi iyon.

Damang-dama ni Jervy ang hirap at sakit na nararamdaman ni Vince. Pakiramdam niya ay kumikirot ang puso niya sa kwento ng buhay ni Vince.Para bang gusto niyang yakapin ang lalaki at sabihing hindi iyon ang katapusan ng daigdig. Na kailangan ay sundin niya ang sinasabi ng kanyang puso at isip. Na dapat ay gawin niya ang bagay na makakapagpaligaya sa kanya ng tunay.

Hindi alam ni Jervy kung paano pa magbubukas ng panibagong topic upang ilihis sa kalungkutan ang lalaki matapos nitong maikwento ang kanyang buhay. Wala siyang ibang nasabi kundi ang “okay lang yan” at “tapangan mo ang loob mo”. Inabot sila ng halos buong magdamag sa pag-uusap at nang mapansin nilang halos papasikat na ang araw ay saka lamang sila nagpaalam sa isa’t-isa at pumunta sa kani-kanilang tinutuluyan.

Eksaktong ala-sais ng umaga ng makapasok si Jervy sa bahay na kanyang tinutuluyan. Halos tatlumpung minuto na siyang nakahiga ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ilang beses na siyang nagpabali-balikwas sa kanyangkama pero dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Hanggang sa mga oras na iyon ay ang malungkot na mukha ni Vince ang kanyang nakikita.

Hindi na namalayan pa ni Jervy kung anong oras siya nakatulog. Basta ang alam niya ay ang mga mata ni Vince na puno ng kalungkutan ang kanyang huling nakita bago niya ipinikit ang sa kanya. Hapon na ng siya ay magising. Dumiretso sa kusina at kumuha ng isang basong pineapple juice at saka lumabas sa may veranda. Pinagmasdan niya ang mga batang naliligo sa dagat at nakisabay sa paglanghap ng sariwang hangin. Maya-maya pa ay may isang kilalang boses ang tumatawag sa kanya, si Vince.

“Jervy, punta tayo dun sa bahay.”

“Bakit? Kakagising ko lang kaya nu.”

“Sige na. I will just take some photos of the house and then we’ll leave. Promise! Please…”

“Okay, okay. Wait, I’ll just change clothes.”

“Okay!”, sabay ngiti ni Vince.

Paglabas ni Jervy ng bahay ay naka-hawaiian shorts at putting sando na ito. Muli ay tinahak na nilang dalawa ang daan patungo sa abandonandong bahay na kanilang nakita nung nakaraang gabi. Malayo-layo pa lamang ay nagsimula nang kumuha ng mga litrato si Vince. Ang harapan ng bahay, ang palibot nito, at maging ang mga maliliit na mga detalye ay hindi niya pinalampas, gaya na lamang ng mga magagandang bulaklak ng orchids sa gilid ng bahay.

Pinapwesto niya si Jervy sa may bandang harapan ng bahay at para bang isang photo shoot ang kanilang ginawa doon. Pagpasok ay dumiretso sila agad sa may terrace at doon ay muling kinuhanan ang magandang view na makikita mula roon. Pagkatapos ay isinunod naman nila ang silid na nakita ni Vince nung gabi. Muli niyang pinapwesto si Jervy sa may iba’t-ibang bahagi ng kwarto at saka kumuha ng kumuha ng mga litrato.

Kakaibang galak ang inihatid ng photo session na iyon kay Vince. Para bang siya ay nakalaya mula sa isang maliit na hawla. Ang hawla ng kanyang sarili.

Matapos ang tatlumpung minuto ay nagpahinga ang dalawa. Naupo sa may gilid ng kama at tinignan ang mga kuha sa camera. Hindi magkamayaw sa pagtawa ang dalawa sa ilang mga nakakatawang litrato at manghang-mangha naman sa ilang mga magagandang kuha.

“Eto talaga ang gusto mong gawin?”, tanong ni Jervy.

“Yeah. Sobra. I really love photography. Feeling ko nga eto talaga ang calling ko.”

“I see.”

Biglang itinutok ni Vince ang camera sa mukha ni Jervy, pinangiti niya ito at kinuhanan ng mga litrato. Maya-maya ay naasiwa na si Jervy.

“Ano ka ba. Tama na. nahihiya na’ko.”

“Sus. Jervy naman. Sige na. ilang shots nalang then I’ll stop.”, sabi ni Vince sabay ngiti.

Ilang kuha pa nga ang ginawa ni Vince at saka ito tumigil. Muli niyang ipinakita kay Jervy ang mga litrato at gandang-ganda naman si jervy dito. Halos lahat ng kuha ni Vince kay Jervy ay nakapokus sa kanyang mukha.

“Ang cute naman ng mga kuha mo. Para na talagang propesyunal na photographer.”

“Oo nga eh. Ang cute.”, sabi ni Vince habang nakatingin sa mukha ni Jervy sa halip na sa mga litrato sa camera.

Hindi napapansin ni Jervy na siya na ang tinutukoy ni Vince sa pagsasabi nito ng cute. Ikinagulat ni Jervy nang bigla siyang halikan ni Vince sa pisngi. Hindi niya maintindihan ang kanyang naramdaman. Para bang may kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan. Halos manlambot ang kanyang tuhod dahil sa pagkabigla. Tinitigan niya sa mata si Vince parang naghahanap ng kasagutan kung bakit niya iyon ginawa. Hindi malaman ni Jervy kung lalayasan niya ba si Vince dahil pakiramdam niya ay sinusubukan siya ng lalaki o kung tatanungin ba niya kung bakit.

Sa halip na sabihin ni Vince ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa ay binitawan niya ang kanyang camera, hinawakan sa leeg si Jervy at saka ito hinalikan sa labi. Wala nang nagawa pa si jervy kundi ang magpadala sa nangyayari. Ginantihan na rin niya ng halik si Vince. Tuloy-tuloy na silang nahiga sa kama habang naghahalikan. Naramdaman na lamang ni Jervy ang paglikot ng kamay ni Vince. Hinaplos nito ng marahan ang kanyang braso. Niyakap ng mahigpit at maya-maya pa ay kanyang nang sinisimulang hubarin ang sando ni Jervy habang patuloy parin ang kanilang paghahalikan. Hinubad na rin ni Jervy ang shorts ni Vince sapagkat wala naman itong suot pang-itaas. Ilang sandali pa ay pareho na silang walang saplot at tuloy pa rin sa paghahalikan. Gumagapang ang labi ni Vince sa katawan ni Jervy. Nilaro ng kanyang dila ang utong nito. Pababa ng pababa hanggang sa pusod. Hindi magkandamayaw si Jervy sa kanyang nararamdaman. Halos sumasabay ang pagtibok ng kanyang puso sa paghagod ni Vince sa kanyang katawan. Hinawakan na ni Vince ang ari ni Jervy at marahan itong hinagod, halos mapabalikwas si Jervy sa sensasyong nadarama. Bagamat hindi ito ang kanyang unang pakikipagtalik ay para bang ito naman ang pinakasenswal sa lahat.

Matapos ang pagtatrabaho ni Vince ay si Jervy naman ang kumilos. Hinagod nito ang buong kahubdan ng katalik. Pikit na pikit si Vince sa buong panahong niroromansa siya ni Jervy. Naglakbay ang dila ni Jervy sa buong katawan ni Vince. Halos umiktad si Vince sa kama ng laruin ni Jervy ang ari nito. Walang ibang marinig sa silid kundi ang kanyang mahihinang ungol. Ibang init ang idinulot sa kanya ng ginawa ng kapareha. Sabay na tumilamsik sa kanilang mga dibdib ang mainit na likidong nagmula sa nagliliyab nilang mga katawan.Ang bunga ng kanilang pagod at pawis.

Matapos silang magtalik ay nakahiga lamang sila sa kama at habol-habol pa rin ang hininga. Hindi nila malaman pareho kung paano magsisimula ng usap pagkatapos ng nangyari. Kaya si Vince na ang nagsimula ngunit hindi niya binuksan ang topic tungkol sa nangyari.

“Jervy, kumain ka na ba? Kasi diba nung pagpunta ko sa bahay mo kanina kakagising mo lang.”

“Hindi pa nga eh.”, sagot ni Jervy na parang naaasiwa pa pagkatapos ng pangyayari.

“I see. Ganito nalang. I’ll just take some photos of the shore and other sceneries then let’s go to your place and eat. Okay lang ba?”

“Sige.”

Ganon nga ang kanilang ginawa. Lumabas sila ng bahay na iyon na para bang walang nangyari at nagpatuloy si Vince sa pagkuha ng litrato. Hindi pa rin umiimik si Jervy habang si Vince naman ay patuloy sa pagkekwento ng iba’t-ibang bagay gaya ng mga naging byahe niya sa iba’t-ibang lugar. Hanggang sa makarating sila sa bahay na tinutuluyan ni Jervy ay halos hindi pa rin nagsasalita ito at panay si Vince lamang ang madaldal at makwento.

Habang kumakain ay nagtanong na si Vince kung bakit parang hindi kumikibo si Jervy at biglaan rin ang pagtahimik nito.

“Wala naman. Siguro bigla lang sumama ang pakiramdam ko.”, paliwanag ni Jervy.

“Sumama ang pakiramdam mo o bigla kang nag-alangan sa akin?”

“Sumama lang talaga pakiramdam ko bigla.”

Hindi na kinulit pa ni Vince si Jervy at nagpatuloy na lamang ito sa pagkain. Inabot na ng dilim si Vince sa bahay ni Jervy. Nanunuod sila noon ng pelikula nang bigla ulit nagtanong si Vince kay Jervy.

“Jervy, okay lang ba kung dito na ako magstay. I mean magkasama tayo dito. Ililipat ko na lahat ng gamit ko.”

“Huh. Bakit naman?”

“Para makasama kita.”

“Bakit nga?”

“Kasi gusto kita.”

Hindi nakapagsalita si Jervy sa sinabi ni Vince. ‘Di kalaunan ay pumayag na nga si jervy na dun na rin mag-stay si Vince habang nagbabakasyon sila doon. Ilang araw pa ang lumipas at dumating araw ng kanilang pagbalik sa Maynila. Pinasabay na ni Vince si Jervy sa kanya hanggang sa Maynila. Nagpumilit si Vince na ihatid siya sa kanyang tinitirahan sa may Sampaloc. Hapon na nang marating nila ang bahay ni jervy, hindi na pumasok pa si Vince sa loob ngunit bago ito umalis ay nag-iwan siya ng isang mariing halik sa labi at nagpalitan sila ng numero.

Pagpasok ni Jervy ng bahay ay hindi niya malaman ang unang gagawin. Tatawagan ba niya ang kanyang bestfriend o matutulog muna siya dahil sa sobrang pagod  at mamayang gabi na lamang niya ito kakausapin. Sa pagod niya ay naupo siya sa sofa at hindi namalayang nakatulog na pala siya.Madilim na nang siya ay magising dahil sa isang katok. Pagbukas niya ay isang delivery boy ang nasa may pintuan at may dalang isang bouquet ng pulang-pulang mga rosas. Matapos pirmahan ni Jervy ang resibo ay binasa agad ang isang maliit na card na kasama nito.

“I MISS YOU NA AGAD!”, ang nakasulat sa card at si Vince ang nakapirma rito.

Abot tenga ang ngiti ni Jervy sa padalang iyon ni Vince. Bagamat walang pormal na pag-uusap tungkol sa kung ano ang estado nilang dalawa ay hinayaan na muna ni Jervy na ganoon ang kanilang turingan. Nang maalala niya na tatawagan nga pala niya si Dana, ang kanyang bestfriend, ay dali-dali niyang kinuha ang telepono at nag-dial.

“Hello Dan. Jerv ‘to. May lakad ka ba tonight? Kita tayo.”

“Jerv…! Teka, teka. Your not the usual Jerv. Something’s happening. Kasi hindi ka ganyan pag tumatawag ka sa’kin.”

“Haha.. Okay, you got me there. May uwi nga akong kwento. Pero I’ll tell it to you pag nagkita na tayo. I wanna see the look on your face once I tell you the whole story.”

“Ay! Jer-jer yan nu. Hahahaha…… Sige, sige. Let’s see. Okay ka ba sa dati?”

“Shoot. Kita-kitz!”

Magkaklase sila ni Dana noong highschool at doon sila nagsimulang maging mag-bestfriend. Alam ng kaibigan ang lahat ng ginagawa ni Jervy hanggang sa pag-a-aktibista nito. Pero ni minsan hindi siya sumama kay Jervy sa kahit anong aktibidad nito.

Mga alas-otso ng gabi ng umalis si Jervy sa kanyang bahay patungo sa bar kung saan madalas sila magpunta ni Dana. Pagdating doon ay wala pa ang kaibigan kaya naupo muna siya sa tapat ng bar at nagyosi. Ilang minuto pa at dumating na si Dana. Matapos magbeso ng dalawa ay pumasok na ito sa loob at umupo sa table sa may gilid.

“As usual Dan, late ka na naman.”

“Jerv, okay lang yun. Tsaka ang layo kaya ng pinanggalingan ko no. Anyway, hindi tayo nagpunta dito to talk about my being late. Anong kwento? Go!”

“Uhmm.. Diba I had this out-of-town vacation. And dun sa place na pinuntahan ko, I met this guy and I think we’re now having what you call ‘special something’. Haha..”

“Ano? I traveled all the way here from Parañaque, and then yan lang ang sasabihin mo sa’kin? DUH! As in DUH, all caps! Pwede ba Jervy Tanjuangco, ayusin mo pagkukwento nang matuwa-tuwa naman ako sa’yo.”

“Kailangan binubuo ang pangalan ko, Dana Clarisse Vallejo. Sige, sige. Ikukwento ko ng buo. Buong-buo.”

Nagsimula ngang ikuwento ni Jervy ang lahat ng nangyari sa kanila ni Vince mula nang magkakilala sila nito sa tabing dagat hanggang sa ihatid siya ng lalaki sa bahay nito. At maging ang nangyari sa dalawa sa loob ng kwarto sa abandonadong bahay ay ikinuwento nito sa kaibigan.

“OMG Jerv! Sobrang kilig to the max super ang drama ninyong dalawa. As in, parang pelikula ni Bea at Lloydie o kaya parang teleserye nina Dingdong at Marian.”, sabi ni Dana na pumapalakpak at parang kinikilig-kilig pa.

“Alam mo Dan, ang OA mo ha. At baduy and corny na rin all at the same time.”

“Bakit, talaga namang nakakakilig yun no. And even the sexcapade. Para kasing istorya sa mga nobela. At kayong dalawa ang bida. Hahaha… Pero Jerv, Ingat lang ah. Ang puso mo na naman.”

“I know, I know. That’s why this time I wanna be careful and sure first bago ulit pumasok sa commitment.”

“Mabuti naman!”

Buong gabing nag-inuman ang mag-bestfriend at nagkwentuhan. Nagbalitaan ng mga nangyari sa kani-kanilang buhay nitong huling dalawang linggong nakaraan.

“Can you imagine Jerv, the reason why you went for a vacation was because of that stupid Jake who broke everything in you, kasama na ang pagka-birhen mo. Haha.. and now look, you’ve found new love. Ay… Hindi pala dapat magmadali. Hehe..”

“Kaya nga eh. In the most unexpectable time.”

“Precisely. Isa lang ang ibig sabihin nito Jerv.”

“Ano, na dapat tigilan ko na ang pag-grieve kay Jake?”

“Hindi gaga! Meaning, mabenta ka pa rin talaga! Hahaha…”

“Ulol!”

Bandang alas-onse y medya ng gabi at nasa kalagitnaan ng pagkukwentuhan ang magkaibigan nang biglang nag-ring ang phone ni Jervy at si Vince ang tumatawag. Sinagot niya ito at tinanong si Vince kung bakit ito tumawag.

“Gusto kita Makita Jervy.”, sabi ni Vince.

“Ha. Eh, kasama ko ang bestfriend ko.”

“Great! I have the chance to meet your bestfriend.”

Wala nang nagawa pa si Jervy kundi ang pumayag na pumunta si Vince sa bar kung saan naroon sila. Halos wala pang isang oras ay naroon na agad si Vince at para bang excited pa itong lumapit kina Jervy na parang isang taon niyang hindi ito nakita. Nang makita ni Dana ang lalaki ay halos malaglag ito sa upuan dahil sa pagkabighani kay Vince. Bagay na bagay sa kaputian ni Vince ang suot nitong pink fitted shirt at maong pants. Simpleng-simple tignan si Vince ngunit dahil sa angking kamachohan, kaputian at pagiging gwapo ay talaga namang umaagaw ito ng atensyon sa loob ng bar kahit pa man halos madilim sa loob.

Hanggang sa makalapit si Vince sa table nina Jervy ay para pa ring nagayuma si Dana dahil titig na titig ito kay Vince.

“Vince, this is my bestfriend Dana. Dana, Vince.” Pagpapakilala ni Jervy sa dalawa.

“Hi Dana. Your such a beautiful lady.”, sabi ni Vince kay Dana habang nakangiti.

“Ay. Tenchu!”, ang pa-cute na sagot ni Dana.

“Jerv, sigurado ka bang yan ang nakilala mo sa beach. I mean, bading ba talaga yan? Wala na bang kapatid pa yan. Yung ganyan din halos ang itsura. Sabihin mo akin nalang. kundi lang kita fren, naku, bet ko na ata sya, tsarot! hahaha”, bulong ni Dana kay Jervy.

“Gago. May kapatid yan pero older sa kanya. Tsaka sigurado akong yan ang kasama ko sa beach. Sira ulo ka talaga!.”

Matapos ipakilala ni Jervy ang dalawa sa isa’t-isa ay um-order na si Vince ng maiinom at nakipagkwentuhan na sa dalawa. Hindi malaman ni Jervy kung paano pipigilan si Vince dahil tuloy-tuloy ang tanong nito kay Dana tungkol sa kanya. At ito namang si Dana ay panay ang benta sa kaibigan. Para tuloy gustong maglaho na lamang bigla ni Jervy sa kinauupuan.

Talaga namang inalam ni Vince ang halos lahat sa kanya. Mula sa kung saan ito nag-aral, hanggang sa pinakamaliliit na detalye ng kanyang buhay. Pakiramdam niya tuloy ay parang nakasulat sa isang slambook ang kanyang buhay o di kaya naman ay igagawa siya nito ng isang Biography.

Alas-tres pasado na halos nang umalis ang tatlo sa bar at nagprisinta na si Vince na ihatid ang dalawa sa bahay ni Jervy. Bago umalis ay muling nag-iwan si Vince ng isang mariing halik sa labi ni Jervy kahit pa man sila ay nasa harapan ni Dana at saka ito nagpaalam. Habang si Dana naman ay nanlalaki ang mata at parang hindi makapaniwala sa nakita, at abot tenga ang ngiti kay Jervy na para bang nanunukso pa.

Pagpasok ng dalawa sa bahay ay hindi napigilan ni Dana ang sarili sa sobrang kilig. Halos masira ang sofa ni Jervy sa sobrang harot ng bestfriend na para bang siya ang hinalikan ni Vince. Tuwang-tuwa si Dana para sa kanyang kaibigan na mukhang muli ay makakakita ng taong paglalaanan nito ng kanyang puso.

“Jerv, do you think he really loves you na?”, tanong ni Dana habang nakahiga sa sofa.

“I dunno. Hindi naman siguro love agad. Kakikilala lang namin diba. I guess like pa lang muna.”

“Sira ulo. Dun din yun pupunta. Pa-virgin ka talaga. Haha..”

“Eh mas sira ulo ka. Bakit ba nangengeelam ka sa pangarap ko? Mangarap ka ng sarili mo ah. Pakielamera! Haha..”

Kahit pa man madaling araw ng nakauwi ay hindi pa rin agad natulog ang dalawa. Maya-maya pa ay naglabas ng alak si Jervy at niyayang magbanlaw ng inom si Dana na hindi naman nito tinanggihan. Halos alas-sinko pasado na ng sila ay magpasyang matulog.

Tanghali na ng magising ang dalawa at diretso nang kumain ng pananghalian. Habang kumakain sila ay biglang naalala ni Jervy ang tungkol sa isang bagay. Ang pagkakaroon ni Vince ng babaeng ipinagkasundo sa kanya ng ama.

“Dan, I just remembered. There’s something wrong.”

“Why? Alin ang mali, ang ka-sweetan ninyo? Hihi..”

“Hindi. I just remembered. Vince is engaged.”

“WHAT!?! Gago pala yun eh. He’s flirting with you pero he’s engaged na. Ano akala niya sa’yo, slot machine na pwedeng pampalipas oras everytime he’s bored. Fuck siya!”

“No Dana, una pa lang alam ko na ang lahat about the girl and the engagement. Talaga lang pinabayaan ko na umabot kami sa ganito. I can feel it Dan, he loves me, the thing is pinagkasundo lang siya ng dad niya dun sa girl na yun.”

“Well, Jerv, he better make his decision. And fast! Kasi kung hindi, you better be the one to make the move. Iwasan mo na siya kung hindi niya rin lang alam ang tamang desisyon.”

Hindi naka-imik si Jervy sa sinabi ng betsfriend. Alam niyang kahit pa man ipinagkasundo lamang si Vince sa babae na iyon at ayaw nito sa nangyari ay dapat itong gumawa ng isang hakbang para sa kanilang dalawa. Ayaw na niyang muling masaktan pa, lalo ay ayaw niyang kay vince muling masaktan.

Patuloy sa pagkain ang dalawa ng may biglang tumawag. Si Mark, ang kanyang kasama sa organisasyon. Tumawag ito upang ipaalala sa kanya ang kanilang meeting sa hapong iyon. Doon lang biglang naalala ni Jervy ang tungkol sa iskedyul na ito. Mayroon na lamang siyang dalawang oras bago ang takdang pulong. Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi na niya halos naibaba ng maayos ang awditibo ng telepono at dali-dali nang tumakbo pataas upang maligo.

Nagulat si Dana sa ginawa ng kaibigan kaya ito ay kanyang sinundan. Tinanong kung bakit ito nagkaganun. Sinabi niya ang tungkol sa kanyang iskedyul at sinabing bahala na muna si Dana sa sarili at iiwanan niya muna ito mag-isa sa bahay.

Matapos maligo at kuhanin ang kanyang mga gamit ay agad na itong lumabas at pumara ng taxi. Eksakto lamang sa oras ng pulong nang dumating si Jervy sa kanilang opisina. Wala pa ang iba niyang kasama at si Mark pa lamang ang naroroon.

“Jerv, kumusta ang bakasyon mo?”, tanong ni mark habang nakangiti sa kanya.

“Ayos lang. Ayun. Medyo nakapag-relax naman kahit panu.”

“Ah. That’s nice. Atleast you had the chance na matahimik sa ingay ng syudad. Haha..”

“You can say that again. Hehe.. Wala pa ba sila?”

“Wala pa eh. Actually, nasa rally sila. Diba start na yung ministerial meeting ng WTO, so may mga ilang activities na rin dito na ginagawa ang broad. Talagang tinawagan lang kita kanina just to remind you. Baka kasi nakalimutan mo dahil sa pagbabakasyon mo. Hehe..”

“Ok. Sige. Pakape ah. Hehe..”

Si Mark ang pinaka-kasundo niya sa org, alam ni Mark ang lahat tungkol sa kanya. Ang totoo, may isang lihim itong hindi sinasabi sa kanya. Mahal siya ni Mark. Ngunit pinili nitong hindi na sabihin dahil natatakot siya na baka walang gusto sa kanya si Jervy at mabigo lamang.

Alam ni Mark ang lahat ng nangyari sa buhay ni Jervy. Kaarawan noon ni Jervy ng magka-inuman sila at naikwento nito ang kanyang buhay kay Mark. Buong detalye sa mga pinagdaanan niya ay naikwento niya rito, kahit pa nga maging buhay pag-ibig niya.

Mula noon ay sinabi ni Mark sa sarili na hindi nito hahayaang masaktan ang minamahal. Tahimik na nangako itong aalagaan niya si Jervy. At kanya itong tinupad sa lahat ng pamamaraang alam niya.

“Mark, ano nga pala balita sa nangyaring DI ninyo sa Morayta last week?”

“Ayun, dinumog kami…ng pulis. Haha.. Kasi naman si Alice, ayos sa timing.Magsimula ba naman kasabay ng pag-go-go ng mga sasakyan. Eh di syempre, nagka-trapik-trapik. Haha.. Ayun, kuyog. Nagtatatakbo kami pero in-character pa rin. Hehe..”

“Eh di maganda. Atleast nakatawag ng pansin.”

“Syempre, kaw ba naman ang duma-dialogue habang tumatakbo. Hehe.. Pagod na pagod kami lahat. Layo ring takbuhan nun ah.”

Nasa kalagitnaan sila ng pagku-kwentuhan nang magdatingan ang iba pa nilang kasama sa organisasyon. Pagod ang lahat dahil sa halos buong araw na pagra-rally.

“Alice, kumusta ang rally?”, tanong ng dalawa.

“Okay naman. Click na click yung ginawa nating props. Hehe.. ayaw lubayan ng mga media.”

“Good. At least worth it yung di natin pagtulog ng ilang gabi. Hehe..”, sabi ni Mark.

“Maiba ako, kumusta ang bakasyon mo Jerv?”, tanong ni Alice.

“Oks lang. I had fun naman. Medyo boring nga lang kasi syempre wala akong nakasamang kaibigan.”, sagot ni Jervy.

Matapos ang kanilang naging pulong ay isa-isa nang umuwi ang kanilang mga orgmate nila hanggang sa sila na lang tatlo ang nasa opisina.

“Inom naman tayo.”, yaya ni Alice sa dalawa.

“Sige. Sagot ko.”, ang pagpiprisinta ni Jervy.

Agad dumiretso ang tatlo sa may bar na malapit sa kanilang office. Matagal-tagal rin silang nag-inuman at nagkwentuhang tatlo roon. Pasado ala-una na ng magkayayaan ang tatlong lumabas na ng bar dahil gusto ng umuwi ni Alice. Ipinara nila ito ng taxi dahil malapit lang naman ang bahay nito sa bar na kanilang pinuntahan.

Niyaya ni Jervy si Mark na pumunta sa kanila upang magbanlaw ng inom. Pagdating nila sa bahay ay wala na si Dana. Agad kumuha ng beer sa fridge si Jervy at inabot ito kay Mark. Binuksan ang component at nagsalpak ng cd sa player. Pinagmamasdan lamang ni Mark ang bawat kilos ni Jervy. Wala namang kamalay-malay ang isa sa ginagawang pagmamasid ni Mark sa kanya.

Lasing na lasing na ang dalawa dahil mahigit isang oras na rin silang nag-iinuman at nagku-kwentuhan. Maya-maya pa, tumugtog ang isang magandang awitin mula sa cd. Dahil pareho nilang paborito ang kanta ay sabay na tumahimik ang dalawa upang taimtim na makinig sa musika.

Magkaharap silang dalawa sa tapat ng malaking sofa ni Jervy sa sala, tahimik, at walang kumikibo. Tanging ang musika lamang ang umiikot sa buong kabahayan. Hindi malaman ni Mark kung anong pumasok sa kanya at bigla na lamang niyang hinalikan si Jervy sa labi. Dahil sa sobrang pagkalasing, pagkagulat at marahil sa impluwensyang nilikha ng tugtugin ay wala ng nagawa pa at nagpadala na lang rin sa agos si Jervy at ginantihan ang halik ni Mark. Mariin ang mga halik na iyon, mapusok, para bang wala nang bukas.

Bagamat iniisip ni Mark na maaaring maging sanhi iyon ng isang kakaibang reaksyon mula kay Jervy, hindi na niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pagpapadama ng kanyang pagmamahal sa lalaki.

Nagsimulang lumikot ang mga labi niya sa leeg ni Jervy, hinubad niya ang t-shirt ni Jervy at gumapang ang labi niya patugo sa dibdib nito. Nilaro ng kanyang dila ang mga nipples nito papuntang pusod. Maya-maya pa ay hinubad na rin niya ang natitirang saplot ni Jervy at gayon din naman ang ginawa nito sa kanya. Patuloy na naglaro ang mga labi nila sa katawan ng isa’t-isa.

Sumasabay sa melodiya ng tugtog ang bawat indayog ng kanilang mga nag-iinit na katawan. Habang bumibilis ang tempo ng awitin ay bumibilis din at lalong nagiging mapusok ang bawat galaw nila. Para bang wala nang darating pang bukas. Hanggang sa halos sumabay na rin sa tugtog ang kanilang mga ungol. Halos maghalo ang pawis at laway sa kanilang mga katawan. Parabang sabik na sabik ang bawat isa sa paghahalo ng init sa kanilang kaloob-looban na matagal nang gustong kumawala.

Ang bawat pagbilis ng tempo ng kanta ay siya ring pag-igting ng mapupusok nilang mga galaw at ungol. At sa wakas, isang mahabang sigaw ang naghudyat ng pagtalsik at paghahalo ng mainit na likidong niluto ng ilang minuto.

Nakapatong pa si Jervy sa basa at matikas na katawan ni Mark nang makatulog ang dalawa. Tirik na tirik na ang araw ng magising sila. Walang imik na nag-ayos ng mga sarili at dumiretso sa kusina. Hindi nila alam ngayon kung paano magsisimula ng usapan gayong halos hindi pareho makapaniwala sa ginawa nila ng nakaraang gabi.

Ang totoo, hindi maintindihan ni Jervy kung bakit ganoon ang nangyari. Hindi niya alam ang tunay na usapin sa kasarian ni Mark, basta ang alam niya ay straight ito.

“Kain na.”, alok niya kay Mark.

Tahimik na umupo si Mark sa may hapag at nakatitig lamang sa inihandang pagkain ni Jervy.

“Jervy mahal kita!”, biglang sambulat ni Mark.

Nanlaking bigla ang mga mata ni Jervy sa sinabing iyon ni Mark.

“Mahal kita Jervy!”, inulit muli ni Mark ang kanyang sinabi at tumitig kay Jervy na nasa kanyang harapan lamang.

“Alam mo ba sinasabi mo?”

“Matagal na ‘to Jerv. Hindi ko magawang sabihin dahil natatakot ako na baka masaktan lang, dahil baka hindi mo ako gusto. Ngayon lang ako nagka-lakas ng loob.”

Hindi nakasagot si Jervy sa sinabing iyon ni Mark. Hindi niya alam pa’no ito sasagutin. Hindi naman din nagpumilit si Mark na pasagutin si Jervy. Tahimik na kumain ang dalawa at kahit hanggang sa kanilang pag-alis sa bahay ay halos hindi nagkikibuan.

Nasa taxi sila noon ng tumunog ang telepono ni Jervy, si Vince ang tumatawag.

“Asan ka ngayon?,” tanong ni Vince nang sagutin niya ang celfone niya.

“Papunta ng opisina.”

“Kita tayo maya. Lunch lang. Okay lang ba?”

“Sige.”

Sinisilip lamang siya ni Mark mula sa salamin sa harapan habang kinakausap niya si Vince. Kuha na ni Mark na hindi lang isang kaibigang lalaki ang nasa kabilang linya. Sa tono pa lamang ng lalaki ay halata na ang pagkagusto nito kay Jervy. Halos bumagsak ang kanyang balikat dahil sa selos at sakit na nadarama niya sa lalaking kausap ni Jervy.

“Sino siya?”, tanong niya.

“Ah, yung kausap ko. Si Vince. Na-meet ko siya nung nagbabakasyon ako.”, sabi ni Jervy na halos hindi pa rin makatingin kay Mark.

Pakiramdam ni Mark ay gusto niya na lang biglang tumalon palabas ng taxi. Hindi niya maiwasang isipin na maaaring may nangyari sa dalawa sa ilang araw nitong pagsasama sa iisang lugar. Hindi niya maiwasang isipin na maaaring may namamagitan sa dalawa.

Ilang linggo rin ang lumipas ngunit iyon pa rin ang nasa isip ni Mark. Hindi pa rin nila pinag-uusapan ni Jervy ang nangyari sa kanilang dalawa at ang tungkol sa pag-amin niya sa kanyang nararamdaman. Halos hindi na siya makatulog gabi-gabi dahil si Jervy ang nag-iisang laman ng kanyang isipan. Eksaktong kaarawan noon niya noon ng muli silang magka-inuman.

“Jervy, matagal-tagal na rin ang lumipas, pero hindi mo pa rin binibigyang pansin ang sinabi ko sa iyo noong huli tayong nagka-inuman.”

“Matagal na tayong magkaibigan Mark, I really can’t imagine that you’ve fallen in love with me.”

“May masama ba ron? Unless, you have someone else.”

“If you think kami ni Vince, you’re wrong. We don’t have any commitment.”

“Then what’s keeping you from loving me?”

“Didiretsahin kita. Mahal ko si Vince.”

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mark sa kanyang inuupan. Gusto niya halos matumba sa kinalalagyan. Nabibiyak unti-unti ang kanyang puso sa narinig kasabay ng pagkabingi sa nagsasalimbayang ingay ng tugtog at alingawngaw ng binitawang salita ni Jervy. Matapos ang gabing iyon ay parang nagkaroon ng matinding pagka-ilang si Mark kay Jervy. Hindi niya alam kung paano lalapit o makikipag-usap sa kaibigan. Hindi siya galit, marahil ay masyado lamang niyang na-absorb ang sakit na idinulot ng pagkasawi sa pag-ibig.

Si Jervy naman ay patuloy na nakikipagkita kay Vince. Masaya siya sa tuwing kasama niya ang minamahal kahit pa man hindi tiyak ang status ng kanilang relasyon. Ngunit dumating ang araw na kinatatakutan niya. Nang minsan siyang nag-text kay Vince, ang babaeng ipinagkasundo rito ang sumagot sa kanyang text at tipong galit na galit.

Nang sumunod na pagkikita nila ay pinag-awayan nilang dalawa ni Vince ang pangyayari. Galit sa kanya si Vince kahit pa man ipinaliwanag niya na hindi naman sinasadya ang insidente. Lumipas ang isang linggo at hindi pa rin nagparamdam sa kanya si Vince. Dinamdam niya ito ng labis. Naglalakad siya noon sa may Morayta ng kanyang makasalubong si Vince ng di sinasadya. Hindi na niya pinalagpas pa ang pagkakataon at kinausap ang lalaki.

Pakiramdam niya ay daig niya pa ang ginulpi sa sinabi ni Vince, “I can’t continue seeing you Jervy. Wala nang ginawa si Jelica kundi awayin ako pati ng buong family niya. And even my dad, halos gabi-gabi ay pinapagalitan niya ako. Pakiramdam ko nga ay may nagbabantay sa bawat kilos ko ngayon. Let’s just stop this!” umalis na si Vince matapos sabihin ito at iniwan na lamang siyang umiiyak sa loob ng kainang kanilang pinuntahan.

Ilang araw ring iniyakan ni Jervy ang pangyayaring iyon. Hindi niya lubos akalain na dalawang magkasunod na sakit ang ibibigay sa kanya ng tadhana. Halos gabi-gabi ay dinadaan niya sa paglalasing at pagpa-party sa mga bar ang karanasan. may isang pagkakataon pang sinundo siya ni Dana na halos nakahiga na sa gitna ng dance floor at lasing na lasing.

“Putang ina Jervy! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?”

“Ba..baya..bayaan mo ko.”, ang kanyang sagot habang halos malalaglag na sa upuan.

“Uuwi na tayo sa ayaw mo at sa gusto, and that’s final!”, saka niya inakay ang bestfriend at iniuwi.

Matapos ang ilang araw ng pagluluksa ay muling pumunta sa opisina si Jervy. Doon ay naabutan niyang nililigpit ni Alice ang mga gamit sa table ni Mark.

“Alice, san mo dadalhin yan? Asan si Mark?”

“Naku Jerv, hindi ka ba nasabihan. Umuwi sa probinsya nila si Mark. He needs to have some rest.”

“Huh? Rest? Bakit? May sakit ba siya?”

“Last week, bigla nalang natumba si Mark sa rally. When we brought him to the hospital, sinabi ng Doctor na lumala na ang sakit niya. Mark has a Cancer, Jerv. And no one here knows it until he fainted.”

“Shit! Kelan pa daw yun?”

“Last year pa na-diagnosed, it’s just now that the cells had spread out all over his body at lumala na nga. He needs extensive care. Kaya inuwi na siya ng family niya para doon na alagaan, hoping he can still survive.”

Si jervy naman ngayon ang parang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang kinatatayuan. Walang pagdadalawang-isip ay umuwi siya at nag-impake ng damit. Pupuntahan niya si Mark, siya ang mag-aalaga rito, sasamahan niya ang kaibigan hanggang sa huling sandali nito.

Ilang oras din ang nagging biyahe niya patungong Pangasinan. Pagdating niya sa bahay nina Mark, sinalubong siya agad ng ina nito at sinabing walang itong ibang hinahanap kundi siya. Agad niyang pinuntahan ang kaibigan sa kwarto at nakita itong nakahiga at natutulog. Bumagsak na ang katawan nito at unti-unti nang nalalagasan ng buhok. Nilapitan niya ang kama at umupo sa upuang nasa may kanan nito.

“Mark, Jerv to. I know you can do it. Lumaban ka. The people needs you, and so are we.”

Parang bukal ng tubig ang kanyang mata sa patuloy na pagpatak ng luha. Hindi niya maipinta ang kalungkutang nararamdaman habang nakikita ang naghihirap na katawan ng kanyang kaibigan. Kinausap niya ang ina nito at sinabing siya na mismo ang mag-aalaga kay Mark. Matapos ang dalawang linggo, para bang biglang nagkaron muli ng lakas si Mark at unti-unti na nilang nakakausap at nakakakwentuhan ng matagalan. Muli na siyang nakakalabas ng bahay at nakakapaglibot-libot. Para bang ang presensya ni Jervy ang gamut sa malubhang sakit na dinaranas ng lalaki.

Nagbibiruan silang dalawa sa may veranda ng kwarto ni Mark at naghihintay ng paglubog ng araw ng hapong iyon nang tumawag si Dana upang mangumusta. Nakikinig lamang si Mark sa kanya at nakatitig. Tuloy pa rin sa pagbibiruan ang dalawa at pagkukulitan habang kausap niya ang bestfriend. Iniangat ni Mark ang kamay at itinuro sa direksyon ng araw upang isenyas ang umpisa ng paglubog nito.

Pinagmasdan nila ang unti-unting paglubog ng araw. Tuloy lamang siya sa pakikipag-usap kay Dana habang nakatitig sila sa pagtatakipsilim.

Nalaglag ang teleponong hawak niya sa paglingon niya kay Mark, bagsak na ang mga kamay nito at laglag na ang ulo. Pumanaw na ang kaibigan. Kasabay ng paglubog ng haring araw ay siya ring pagtakas ng natitirang hininga ni Mark. Wala nang nagawa pa si Jervy kundi ang ubusin ang luha sa tabi ng kaibigan. Halos hindi na niya inintindi ang bestfriend na nasa telepono pa.

Hindi pinatagal ng pamilya ang pagbuburol kay Mark. Matapos ang dalawang gabi ay ipina-crimate na ito alinsunod na rin sa request nito sa ina. Matapos ang pag-crimate kay Mark ay naglakad-lakad si Jervy sa may tabing dagat. Sa di kalayuan sa bahay nina Mark ay may isang maliit na treehouse. Ito raw ang lugar ni mark kapag gusto nitong mapag-isa.

Inakyat niya ang treehouse at doon ay nakita ang maraming larawan nilang dalawa. Ipinaayos ito ni Mark noong muling pagbalik nito sa kanila. Sa may gilid ay may isang maliit na kahon. Kanya itong binuksan at nakita ang isang sulat.

 

Jervy,

 

I don’t know until when I will be breathing, but what I know and what I’m sure is.. that until the last breathe I have, it will be for you.

 

I have been keeping what I feel for you, for the longest time. Natatakot ako na hindi mo ako mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa’yo. Pakiramdam ko, matindi pa kay Marcos ang ginawa kong pagpigil sa sarili na ilabas ang tunay kong nararamdaman sa’yo.

 

Noong sabihin mo sa akin na mahal mo si Vince, inisip ko nalang na naging tayo rin naman nang magkasama ang puso at isip natin para sa mamamayan.

 

Mahal na mahal kita Jervy. Korni man pakinggan pero, my heart will always beat because of you. Mawala man na ako sa mundo, hawak mo ang puso ko.

 

I love you with all my heart, with all my soul, and with all of me!

 

Mark

Napaupo na lamang si Jervy sa sahig pagkabasa ng sulat. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Bakit nga ba niya mas pinili ang isang taong walang pagpapahalaga sa ginawa niya kaysa sa taong nagmahal sa kanya ng labis at totoo.

Ala-sais ng umaga at pabalik na siya noon ng Manila ng tawagan siya ni Alice. Ipinaalala nito ang pulong upang pag-usapan kung paano na ang nasimulan nilang play, na tungkol sa nagging karanasan ng mga aktibista sa panahon ng CPR at EJK sa bansa, na si Mark ang nagdi-direct. Binilin niyang sabihin na siya ang aako ng pagtutuloy ng pagdi-direct sa play na iyon. Kukunin na niya ang responsibilidad na ito at tatausin ang nasimulan ni Mark.

Matapos ang usapan nila ay malayo ang tingin niya sa labas ng bus. Pinagmamasdan niya ang ganda ng view mula sa kanyang pwesto. Yakap-yakap niya ang unan na ibinigay ng ina ni Mark. Sinabi nitong iyon daw ay ipinabili ni Mark at ibinilin na ibigay sa kanya sa oras lisanin na nito ang daigdig.

Alam niyang mahaba-haba pa ang magiging biyahe niya, at kagaya ng pangako ni Mark sa sarili, babantayan niya si Jervy sa lahat ng pamamaraang alam nito. Mahigpit ang yakap niya sa unan at malayo ang tingin, nangingiti niyang nasabi sa sarili…

“Itutuloy ko yung play na yun Mark, para sa’yo! Paalam, kasama!” ###

2k8

Leave a comment